Articles worth reading

Caloocan News

Inauguration of the new 32-bed capacity Quarantine Facility of Caloocan City / Photo Courtesy of Mayor Oscar Oca Malapitan/Facebook

Caloocan opens new quarantine facility

account_balanceCaloocan chat_bubble_outline0 Comments

Isang bago at kumpletong quarantine facility ang pinasinayaan ngayong umaga ng Pamahalaang Lungsod ng Caloocan sa pangunguna ni Mayor Oca Malapitan at mga kinatawan mula sa Department of Public Works and Highways (DPWH).

Ayon sa Punong-Lungsod, ang bagong pasilidad na matatagpuan sa likod ng Caloocan City North Medical Center (CCNMC) ay nakalaan lamang para sa mga pasyenteng kinakikitaan ng banayad na sintomas. Ito ay may 32-bed capacity, malinis na mga palikuran, at kumpleto at kumportableng higaan at mga gamit para sa mga pasyente.

Bukod dito, mayroon ding naka-standby na medical personnel upang regular ang monitoring sa lagay ng mga pasyente. Libre rin ang pagkain at vitamins upang mapalakas ang immune system ng mga pasyenteng dadalhin dito. 

Taos-puso naman nagpapasalamat si Mayor Oca sa DPWH na nanguna sa proyektong ito. 

"Tayo po ay nagpapasalamat sa DPWH, kay Sec. Villar, para sa pagpili sa ating lungsod upang matayuan nang napapanahong proyektong ito," ani Mayor Oca. 
"Sa pamamagitan ng bagong pasilidad na ito, mas mailalaan natin ang mga ospital sa mga may matinding sintomas at kritikal na mga pasyente," dagdag ng Punong-Lungsod.

Ang 32 bed capacity ng bagong quarantine facility ay magiging karagdagan sa 1,222 kasalukuyang bed capacity ng lahat ng quarantine facilities sa buong lungsod.

date_rangeDate Published
1 month ago
shareShare article
folder_openArticle tags
content_copyCategorized under

Share your thoughts with us

Related Articles

Photo courtesy of: My Makati

Makati launches online pre-marriage counseling 

account_balanceMakati chrome_reader_mode6 days ago

Makati Mayor Abby Binay today announced that the Makati Social Welfare Department (MSWD) has launched its Online Pre-Marriage Counselling service for the safety and convenience of couples applying for a marriage license during the pandemic. The mayo...

Let's Stay Connected Like us on our Facebook page.
×
Click on the article to continue reading
Muntinlupa to open molecular lab next week Cashless toll collection to start Dec. 1 5 agencies targetted in corruption investigation Typhoon 'Quinta' leaves damage worth P429 million Some LGUs ask gov't to reconsider quarantine status LTO releases new motorcycle plates Send Press Release MNC Facebook Page MNC Twitter Page MNC Instagram Page LGU Spotlight Barangay Front Business Sports Entertainment Metro Gen Metro Feature