Articles worth reading

Caloocan News

Photo Courtesy of Caloocan PIO

Caloocan mayor distributes free bikes

account_balanceCaloocan chat_bubble_outline0 Comments

Nasa 76 job order workers ng Pamahalaang Lungsod ng Caloocan ang binigyan ng libreng bisekleta ni Mayor Oca Malapitan kahapon, Enero 25, 2021.

Ito ay kaugnay ng inanunsyo ni Mayor Oca noong nakaraang Lunes na ipamamahagi niya sa mga job order worker ang 100 bisekleta na donasyon ni Mr. Elton Ang, dating presidente ng Caloocan Industrial at may-ari ng Masterbatch Philippines Incorporated.

Ayon kay Mayor Oca, kinakailangan lamang na magpadala ng sulat sa tanggapan niya para mapiling benepisyaryo ng programa.

Ayon sa Punong-Lungsod, matapos ang isang linggo ay nasa 76 job order workers ang mga nagpadala ng sulat. At tulad ng ipinangako, kahapon ay ipinagkaloob na ni Mayor Oca ang mga bisikleta.

"Ako ay taos-pusong nagpapasalamat sa donasyong ito ni Mr. Elton Ang para sa ating Pamahalaang Lungsod. At bilang pagkilala sa serbisyo ng ating mga job order, sa kanila ko naisip ipamahagi ang mga bisekletang ito. Nais natin silang matulungan at iparamdam sa kanila ang kanilang kahalagahan bilang mga lingkod-bayan ng Caloocan," ani Mayor Oca.

date_rangeDate Published
1 year ago
shareShare article
folder_openArticle tags
content_copyCategorized under

Share your thoughts with us

Related Articles

No releated news for this article.
Let's Stay Connected Like us on our Facebook page.
×
Click on the article to continue reading
Quezon City adopts no contact apprehension system Red Cross pushes saliva test Vaccines from COVAX to arrive in Q1 Makati Shangri-La to close doors on Feb. 1 Cities in NCR to start vaccination simultaneously Mother, girlfriend of Filipino infected with UK variant also test positive Send Press Release MNC Facebook Page MNC Twitter Page MNC Instagram Page LGU Spotlight Barangay Front Business Sports Entertainment Metro Gen Metro Feature