Caloocan News

Caloocan starts senior citizen vaccination
Nagsimula na ang Pamahalaang Lungsod na bakunahan ang mga nasa A2 Category o senior citizens ngayong Lunes, ika-29 ng Marso sa Kasarinlan Elementary School at Buena Park covered court.
Tulad ng health care workers, ang mga senior citizens ay sumailalim sa profiling na nagbibigay ng karampatang impormasyon ukol sa kanilang kondisyon bago magpabakuna.
Dagdag pa rito, tinitiyak ng mga city health workers na nasa vaccination site na maayos ang kondisyon ng indibidwal sa oras ng assessment, sa mismong pagbabakuna at bago sila pauwiin.
Patuloy na hinihikayat ng Pamahalaang Lungsod ang lahat ng residente na kabilang sa priority categories na magpabakuna upang epektibong maiwasan ang banta ng COVID-19.